Search:

Type your RECEIPT NUMBER in the search box and click Search button.
I-type ang RECEIPT NUMBER at pindutin ang Search button.

ADVISORY

PAGKUHA NG PASAPORTE AT IBA PANG DOKUMENTO NA IN-APPLY SA EMBASSY BAGO MAG IKA-17 NG MARSO 2020 (LOCKDOWN)

PASSPORTS: Para sa mga bagong pasaporte na ‘ready for release’ o maaari ng makuha sa Embassy, pinapayuhan ang aplikante na ipadala sa Embassy sa pamamagitan ng La Poste ang mga sumusunod na dokumento:

1. Old passport (ang kasalukuyang hawak na pasaporte);
2. Official receipt (resibo ng binayad sa pasaporte);
3. Self-addressed envelope (sobre na may address ng aplikante. Makukuha ito sa La Poste na ang tawag ay Lettre recommande avec Avis de Reception); at
4. R2 Stamp worth 7.00 euros (R2 selyo na makukuha sa La Poste sa halagang 7.00 euros. Ito ay upang maibalik sa aplikante ang sobre kasama ang bagong pasaporte).

OTHER CONSULAR DOCUMENTS: Para sa ibang dokumento tulad ng certification, notarial, affidavit, at iba pa na in-apply sa Embassy, pinapayuhan ang aplikante na ipadala sa Embassy sa pamamagitan ng La Poste ang mga sumusunod na dokumento:

1. Official receipt (resibo ng binayad sa dokumento);
2. Self-addressed stamped envelope (sobre na may address ng aplikante. Makukuha ito sa La Poste na ang tawag ay Lettre recommande avec Avis de Reception); at
3. R2 Stamp worth 7.00 euros (R2 selyo na makukuha sa La Poste sa halagang 7.00 euros. Ito ay upang maibalik sa aplikante ang sobre kasama ang dokumento).

Pinapayuhan ang aplikante na mag-email sa Embassy sa paris.pe@dfa.gov.ph para sa mga sumusunod na sitwasyon :

• Kagyat na pangangailan o emergency / urgent need na makuha ang bagong pasaporte; o
• Mayroon 2 o higit pang dokumento at pasaporte na ‘ready for release’ o maaari na makuha,upang masabihan ng angkop na selyo na kailangan ipadala.

Upang masubaybayan sa La Poste ang pagpapadala ng inyong sobre na may kalakip na pasaporte o dokumentong inaplay sa Embassy, mangyaring magtago ng kopya ng AR number o numero ng sobre na inyong ibinigay sa Embassy. Halimbawa ng AR number ay 1A 122 001 1212 2.

Ang listahan ng pasaporte at iba pang dokumento na ‘ready for release’ o maaari na makuha sa Embassy na inaplay bago mag ika-17 ng Marso 2020 (lockdown) ay makikita sa Facebook page – Philippine Embassy in France at website ng Embassy sa parispe.dfa.gov.ph


Embassy of the Philippines in Paris, France

4 hameau de Boulainvilliers / 45 rue du Ranelagh 75016 Paris, France
Telephone: +33 (0)1 44 14 57 00 / Duty Officer: +33 (0)6 20 59 25 15 / Fax. +33 (0)1 46 47 56 00
Email: paris.pe@dfa.gov.ph / Website: parispe.dfa.gov.ph